Pages

Saturday, December 3, 2011

Ang kakulitan ni Bob Ong... bow!


Tulad ng nasambit ni Orange sa kanyang post, napakahirap nga naman ang pumili ng libro, lalo na't kung ito ay para sa mga bata na maraming pagpipilian sa napakamurang halaga (tomo!).

Una'y napunta kamin sa mga multilingual storybooks (talagang may ganun... I swear, kumapal ang buhok ko! Swak! hehehe). Ang ganda ng mga disenyo. Bukod sa English-Tagalog ang laman na parang diksyonaryo (haller?! multilingual nga, di ba??) ay kapupulutan pa ng aral. Ngunit hindi tungkol doon ang post na ito.

Napadpad kami sa mga libro ni Bob Ong at napukaw ang aking atensyon sa dalawang libro. Isa doon ay ang "Bob's Ong Alamat ng Gubat." Kilalanin muna natin nang maigi ang may-akda.


Si Bob Ong ay nakilala ko dahil sa mga forwarded messages, kasabay ng pagmura ng mga cellphone na kinagiliwan ng masa, kung saan ang pag-ibig ay inihalintulad sa iba't-ibang bagay (corny pero pumatok, lam mo 'yan! hihi). Samakatuwid, Bob Ong = quotes. Hindi ko nga lang alam kung nakakakuha ng royalty si Bob sa mga quotes niyang laging pinapasa - minu-minuto, segu-segundo. At hindi lang pala siya abala sa love quotes. Sumusulat din pala siya ng mga libro, katulad ng "ABNKKBSNPLAko?!"

Una kong nagustuhan ay ang makulay nitong pabalat at makabatang pagguhit (No choice basahin sa bookstore kasi plastic-sealed pa.. hay). Ang libro ay tungkol sa isang talangkang nagngangalang Tong, na naglakbay sa gubat upang sagipin sa karamdaman ang kanyang amang hari. Doon ay nakilala niya ang iba pang karakter, na lalo pang nagpagulo ng istorya.hahaha :)

Kapuna-puna din ang panahon kung kailan (malamang) naisulat ang aklat. Nabanggit kasi sa istorya and Friendster at Nokia 3210 na nauso pagkatapos kong magkolehiyo (K... tama na.. wala ng tanungan ng edad, este taon nasulat ang libro).

Anu kamo ang mapupulot na aral sa pagbasa ng aklat? Isang malaking WALA!!! hahahahaha At ito naman ay hindi pinagkaila ng may-akda sa huling pahina ng pabalat. Tunay nga na ito "ang librong pambata para sa matatanda." But in fairness dito ko nalaman ang kaibahan ng gumagawa ng wala, kaysa sa walang ginagawa; at kung paano kahirap ang gumawa ng meron. Kuha mo?

Kung napukaw ang inyong interes ay maaari mo ring masagot ang mga katanungang ito: Nasagip nga ba ni Tong ang kanyang amang hari? Sino ang nanalo ng landslide sa eleksyon? Sino ang umutot?

Para sa iba pang detalye ng libro... ay bumili kayo ng libro! Ika nga sa libro, "Bawal manghiram... bumili ka ng sarili mong kopya." Bang!

Enjoy reading! :)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...