Pages

Friday, December 2, 2011

Tagpi-tagping tawa

 

(Paalala: Ang artikulo ay ginawa hindi para pasakitan ang damdamin ninuman. Ito ay para sa kasiyahan ng mga nagbabasa ng artikulo lamang. Pagkontrol ng sarili ay kailangan.)

Limang araw na pala ang lumipas simula ng magsalita si KC tungkol sa natapos na relasyon nila ni Piolo. Meron pa nga nakapuna kung papaano naapektuhan ang sambayan dahil sa isyu (Me ganun talaga?!hihi)

Kaya naman hindi ko mapigilang kolektahin ang mga nakakaaliw na status updates sa Facebook na nagpasaya at nakapagpatanggal ng pagod natin sa mga nakalipas na araw.

Matapos kong masaksihan personally ang panayam ni kuya Boy Abunda (wow! feeling close hehe) sa nasabing aktres, ilang oras lamang ay nailabas na ang diumanoy liham ni Carmina kay KC (syempre likha lamang ito ng makakating utak ng mga Pilipinong pilosopo sa mundo..):

"Dear KC Concepcion,

Been there. Done that.

Love, Carmina Villaroel"

Kumalap dito ng tawa sa internet, at naibahagi naman sa iba pantanggal stress hahaha. Wait, there's more!

Last Tuesday, ito naman ang reaskyon na nakuha natin sa Facebook:

"Porket nahuli mo bf mo becky pala (ay) KC agad. Di pa pweede Carmina Villaroel muna?"

Tawa na naman ako in fairness, kasi may nabuo na namang linya na pwedeng gamitin sa araw-araw.

On the other hand, may mga naawa naman kay Piolo at bumanat:

"Lubayan nyo na si Piolo! Si Lucky Manzano naman!"

At dahil sa commitment ng iba nating kababayan sa naturang relasyon, may nag effort pa:

 

Hay, tayong mga Pilipino nga naman o… may mga beautiful minds. :)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...